
Sa buong Grade 5, iisa lang daw ang naglakas-loob na sumali sa family talent contest ng school nila. Yung anak ko pang si Dakila, na halos hindi nagsasalita sa klase buong maghapon. Nung umpisa ang press release pa nya eh pinilit daw sya ng Lola nya na sumali. Later on, inamin din nya na idea nya talaga ang sumali kasi gusto daw nyang ma-experience kung ano yung feeling na mag-perform sa stage.
Yung pinaka-recent na nagsalita daw sya sa harap ng klase para sa science presentation eh na-embarrass daw sya. Kung anu-ano na lang daw pinagsasabi nya. Di na nya alam kung ano sasabihin kaya nagsulat na lang daw sya sa blackboard. Minsan kasi itinatago nya sa randomness at silliness yung nervousness and embarrassment nya para sigurong defense mechanism nya para kunwari di sya masaktan kahit napapahiya na sya. After nun, nagtanong daw sya kung may questions daw. Awkward silence lang daw yung buong klase. Mas lalo lang daw nyang naramdaman yung pagkapahiya nung pabalik na sya sa upuan nya, walkwardly. That awkward silence haunted him.
So di ko alam ngayon bakit pa nya naisipang sumali sa contest eh lalo lang ma-expose yung vulnerability nya in public? Naalala ko tuloy nung bata ako sumali rin ako sa contest sa school. Mahiyain rin ako pero sabi kasi ng nanay ko hanapin ko lang daw sya sa crowd at tingnan ko lang daw sya pag kinabahan ako. Di ko sya nahanap sa crowd. Di ko tuloy alam kung saan huhugot ng confidence. Basta at least natapos ko lang yung kanta. I lost. And I never performed again kasi ayokong maranasan yung ganung klase ng kahihiyan uli. Nakaka-trauma. Kaya nga I’m not sure if this is the right idea para kay Dakila. What I’m sure of is this is his bravest idea so far.
Actually, may pagkamahiyain din si Dakila. Di sya kikibo unless ikaw unang mag-approach sa kanya. Iisa nga lang yung bestfriend nya, si Alab, tapos pinaghiwalay pa sila ng section. Nagtataka nga raw yung teacher ni Dakila na maingay pala si Dakila tuwing uwian lang pag magkasama sila ni Alab. Pero tahimik lang sa buong araw si Dakila. Walang kaibigan. Di nagsasalita. Nagulat siguro mga kaklase nya nung nalaman na sasali syang contest. Sa buong Grade 5, sya lang ang may audacity na sumali. Ni hindi nya sinabi sa kanila, sinikreto nya kahit kay Alab.
Since nag-register sila sa contest, tuwing hapon na nagpa-practice si Dakila at Lola nya. I Believe I Can Fly ni R. Kelly yung ipe-perform nila kasi toddler pa lang si Dakila kinakanta na nya yun. Buti na lang marunong mag-gitara Lola nya. Na-inspire din siguro si Dakila kasi nakita nyang na-crown na King at Lakambini yung Lolo at Lola nya. Gusto rin siguro nyang ma-experience. Lolo at Lola nya kasi kasama nya palagi sa probinsya. OFW ako sa Alabang. Kinwento na lang sa akin na tuwing gabi raw nagpe-pray pa raw sila ni Dakila kasama ng mga toys nya. At bago matulog iniimagine daw nya na chini-cheer sya ng mga laruan nya habang kumakanta sya. Tapos makakatulog syang kayakap yung mga toys nya.
Bago kami pumunta sa school, nag-practice muna silang mag-Lola. Syempre ang dami kong suggestions. Sabi ko itaas ni Dakila yung kamay nya para i-wave para sundan ng crowd. Ang gulo-gulo pa nya. Parang ayaw seryosohin. Kaya nagtataka ako kung bakit ba nya gustong sumali kung ayaw nya rin lang manalo. Secretly, I want him to be more competitive because maybe I’m also secretly competitive.
In a way, competitive rin siguro si Dakila. Nung nakita nyang nagpra-practice pa yung ibang contestants, nag-aya syang mag-practice raw kami. He’s nervous daw. I don’t know what to say so sabi ko imaginine na lang nya na may bumagsak na comet tapos may microorganism na lumabas at ininfect lahat ng audience so free na syang mag-perform. Tinanong nya tuloy ako kung overthinker ba ko? Sabi ko, oo. Tinanong ko rin sya. Sabi nya kinda.
Tinanong ko kung ano yung ino-overthink nya. Sabi nya, what if i-boo daw sya ng mga tao? What if ma-ubo daw sya during performance? What if ma-disappoint daw nya yung crowd? Ang prayer daw nya eh kahit at least i-treat daw ng mga tao yung performance nya just like any performance. Yung sana raw walang awkward silence uli. Doon ko na-realize na hindi pala talaga winning yung pinaka-iniisip nya. Ang gusto lang nya eh magkaroon ng magandang experience. Yung hindi nya kailangang mahiya pagkatapos.
Say less.
Dun ko inassure si Dakila. Sabi ko sa kanya hanggat present ako kahit saan mang stage sya mag-perform, ipinapangako ko na kahit kelan hinding-hindi mananahimik ang crowd. I will make sure na dadagundong ng ingay even if I’m the last one standing there. Dito ko siguro mapapakinabangan yung talent kong tumili. Yun na nga lang ambag ko ngayong weekend eh. Napalampas ko na nga yung ibang mga activities nya dahil sa pagiging OFW ko.
Bago pa nga magsimula sa performance sina Dakila at Lola nya, nag-ingay na ko eh. I don’t care kung i-judge ako ng ibang magulang dun. I want my son to feel that he’s not alone. And actually, we’re not alone. Kahit absent today yung bestfriend nyang si Alab, yung buong Grade 5 level nag-cheer sa kanya kahit di naman nya ka-close. Actually, yung buong crowd sumunod din sa wave habang winawagayway ko yung lightsaber na ginawa kong giant concert lightstick. And for the first time, itinaas na rin ni Dakila yung kamay nya para i-wave, bagay na hindi nya magawa nung nagpra-practice pa lang sya. I thought ako lang yung maingay. Ang dami ring nakikikanta. It’s overpowering. Para ka na rin umattend ng concert kung saan lahat nakikikanta sa bawat lyrics at nagwawagayway ng lighter.
After ng performance, tumakbo kagad si Dakila para yakapin ako sa harap ng audience. Kala ko nga idi-disown ako ni Dakila dahil sa ingay ko eh. Tapos right after nagsilapitan yung mga Grade 5 para i-highfive sya. They turned out to be his biggest fans.
Sa sobrang ingay nga ng support para kay Dakila, akala nya tuloy nanalo sya. Pero di kami nanalo. Tinanong ko sya kung worth it ba. Sabi nya, he’ll do the same support to his kids in the future too.
That line actually healed me. Seeing my mom and my son perform on stage and being the one in the crowd this time to cheer for them, parang nag-meet sa harap ko yung past at future ko. And this time, changing it from di ko nakita nanay ko sa crowd to ngayon na hindi na nila ako kailangang hanapin sa crowd. Kahit nakapikit sila, maririnig nila ako. I feel like nabago ko yung timeline ng universe. Imbes na ma-discourage sa mga ganitong contest at never trying again, this contest made my son feel like it opened doors of possibility for him.
And maybe that’s what I really wanted him to learn. Na hindi nya kailangang manalo para maging worth it yung challenge. Na pwedeng kabahan, mapahiya, matalo, at gugustuhin pa rin nyang subukan uli. Kaya naman pala.

Leave a Reply