my life is a sitcom

Kumain kami sa Chairman Fu 3 days after redundancy

Another same day, last year post. Nakuha pa talaga naming apat na kumain sa Chairman FU Hotpot Bar sa Newport World Resorts kahit wala na nga kaming trabaho that time. Syempre sponsored to ng former boss turned advocate namin, dahil sya lang naman ang kayang umafford na magpa-dinner sa Manila’s first individual hotpot bar habang kaming apat ay newly unemployed. Sinama ko pa dyan si Dakila sa pa-feeding program.

Ito yung debriefing session namin 3 days after ng tanggalan. Dahil wala man lang kaming send-off nung redundancy namin and di man lang namin na-experience yung dramatic na may palanca letters at pa-“we’ll miss you”, ito yung way ng former boss namin para iparamdam sa amin na hindi kami disposable. And for that day man lang, makatikim kami ng affordable luxury habang pino-process naming wala na nga pala kaming trabaho.

Habang busy silang magkwento ng nangyari, ako busy mag-document. Syempre palalampasin ko ba ang opportunity na gawing content ang isa sa lowest moments ng buhay ko? Parang wala nang mas sosyal na coping mechanism kesa sa mawalan ng trabaho tapos titikim ka ng signature collagen broth. Nakaka-sosyal din na may kanya-kanya kaming golden pots para pumili ng sariling sabaw. Hindi na kailangang maging laway-conscious. And can I just say, it’s not every day na makakakita ka ng karne sa ibabaw ng bato at maiisip mong that’s kinda chic. May Wagyu, seafood, kung anu-anong small plates, cocktails, chicken feet yata. Ultimo sauce nila di ko pinalampas. May pictorial din.

Pero more than the food, sobrang uplifting makausap ulit yung former boss namin. It made me feel hopeful again. Kasi nakita namin firsthand kung paano sya halos mawalan ng confidence sa institution na pinanggalingan naming lahat. We witnessed kung paano sya pinagtulungan at kung paano pinressure. To the point na kaming apat na mismo yung nagri-real talk sa kanya dati because she wasn’t acting like herself anymore. Then she left. Lumipat sya sa mas malaking conglomerate where she thrived. Dun ko mas naintindihan na the right environment doesn’t necessarily make work easy. Minsan, it simply stops making your personality itself the problem. So possible naman pala, there’s life after this.

So bago tayo tuluyang mawalan ng tiwala sa sarili natin, check na muna natin kung hindi ba puro asshole lang ang nakapaligid sa atin.

Because sometimes the exact thing one organization criticizes us for is the exact thing another organization hired us for. Baka naman di tayo defective as a person. Baka we’re just force-fitting ourselves into a system that has no use for our particular gifts.

And also, what does it say about us kung nag-thrive nga tayo sa culture na ayaw naman pala natin. Baka ginalingan lang natin mag-adjust hanggang sa nagpalamon na tayo sa sistema. Toxic din magreklamo everyday and yet still staying ah.

Naisip ko lang rin, before deciding na wala tayong kwenta or katanggal-tanggal, or fundamentally incompetent, minsan yung mas accurate na conclusion is simply, there was no place for us there anymore. We didn’t know that at the time, of course. Di naman namin maiisip 3 days after mawalan ng trabaho na mas magiging marangya yung buhay namin eh. Pero dahil forced kaming umalis, forced din kaming tingnan kung ano pa yung nasa labas. Minsan kasi takot tayong umalis sa bad situation because we feel like we don’t have options. And in this economy, minsan totoo naman talaga yun. Pero minsan yung optionality lumalabas lang pag feeling mo wala ka nang ibang option.

Hindi ko iro-romanticize na “everything happens for a reason.” Not everyone who loses a job immediately lands somewhere better. Eh di para ko na ring sinabing deserve naming matanggal para lang matuto ng lesson. Minsan shit simply happens. Pero it’s not what happened to us. It’s what we eventually do with what happened to us.

After 1 year, dapat talaga bumalik na kami sa Chairman Fu. Ang dami nang nagbago. At higit sa lahat, kailangan na naming i-update yung profile pic ng GC. Yung former boss ko, dramatic na yung weight-loss transformation nya. She’s focusing on her health now, and kung ico-compare mo sa sya before, parang ibang tao na sya. Dati, OT nang OT. Kulang sa tulog. Walang oras mag-exercise. Pag stressed, kakain sa labas. Vicious cycle. Kaya importante talaga yung work environment natin. Minsan dun nakasalalay pati glow-up natin eh. Parang yun na nga yung redefinition ko ng luxury ngayon eh. Yung hindi na natin kailangang ubusin yung sarili natin araw-araw para lang mapatunayan na we deserve our place.

As for sa aming apat, di na lang ako mag-talk about sa glow-up namin. Mahirap na. Actually, mej afraid-y Aguilar nga akong i-post ito ngayon at baka mapagkamalan pa kaming matapobre. Shet, baka someday sumikat ako tapos biglang may netizen na maghalungkat nito para i-cancel ako. As a true-blood social climber, performative matapobre lang po ako. I assure the netizens na wala kaming inapakang tao sa pag-angat namin sa laylayan. Pero may kilala kaming tae na muntikan na naming apakan. Wag na lang. Hindi deserve ng stiletto ko. IYKYK. Char. Joke lang. Please don’t cancel me. Part naman ako ng T the Tigbak Authority.

Leave a Reply