my life is a sitcom

After retirement, nakagawa pa ng sariling pageant ang mga seniors

Sa lahat ng inattendan kong events last week, ito yung may pinaka-purpose, itong King and Queen pageant ng mga seniors sa probinsya namin. Mapagkakamalan mo ngang brand-sponsored event sa pagka-elegante ng event setup eh. First time nilang gumawa ng event na ganito ka-engrande. May stage, lights, gowns, suits. Kumpleto.

Biruin mo mga retired na seniors na sila in their 60s, 70s and 80s. Pero nakapag-fundraising event pa sila para pondohan yung pagpapagawa ng sarili nilang opisina. Ayaw raw nila kasing maghintay na lang ng ayuda lang. Sa edad nila, may kaya pa raw silang gawin.

Muntikan pa ngang maging swimsuit competition to eh, nai-imagine nyo ba? Officer kasi yung nanay ko dito sa maliit nilang senior association sa subdivision. Sanay syang magpa-swimsuit competition dati bilang teambuilding sa corporate life nya kaya di na bago sa kanya mag-organize ng ganitong mga event. Game naman daw sana ang mga senior kaso sya na lang nagpaka-conservative.

Yung tatay ko napilitang sumali. Nanalo naman sya. Sya ngayon ang Reigning King. Nag-speech pa sya nung intro nya na nung nag-retire daw sya galing abroad, di raw nya alam kung bakit sya laging irritable. Maliliit na bagay lang, umiinit yung ulo nya. Pero simula nung mapasali sya sa grupo ng mga seniors, he felt he belong kasi he felt understood. Kasama nya yung mga taong nasa parehong stage ng buhay. And eventually, mas naiintindihan na rin daw niya yung sarili niya. Natutunan niyang mag-enjoy, at huwag nang masyadong magpa-stress.

Ganun daw talaga out of retirement. Yung dating regimented na buhay nila na kayod halos buong buhay nila para sa pamilya, tapos biglang mahihinto. Di nila alam what to do next. At nahihiya silang umasa sa kahit sino kasi sanay silang sila ang inaasahan for how many years

Kung tutuusin dapat nga nasa bahay na lang sila eh. Di mo rin ma-gets bakit pinahirapan pa nila sarili nila. Retired na nga sila at pension lang main source of income mostly sa kanila. Masakit na ang tuhod, likod, balakang. Madaling mapagod. Kaya usually nasa bahay na lang sila at taga-alaga ng apo. But still, they want to feel alive, yung hindi lang basta parang pinapahaba na lang buhay.

Gusto pa rin nilang may inaabangan. May susuotin. May pupuntahan. May kaibigan. May ambag. May papel. May dahilan para magpaganda, at mag-gayak.

Nung nakita ng mga baranggay officials yung nagawa ng mga seniors on their own, nagulat sila eh. Yung mga seniors raised what they could, organized what they could, and showed people what they were trying to build. Nag-bootstrap sila kumbaga. Na-inspire tuloy yung mga officials na magbigay ng ambag.

Kaya siguro sobrang importante ng community habang tumatanda. Kasi sila-sila rin yung makakaintindi nung mga bagay na baka mahirap nang ipaliwanag sa mas batang generation. Yung pakiramdam na minsan naiiwan sila sa bahay habang may lakad ang mga anak nila. Yung gusto nilang sumama kahit alam nilang mabagalna sila. Yes, mahihirapan sila pero they don’t want to be left out. And definitely they don’t want to be counted out.

So for one night, hindi sila yung senior citizen na kailangang alalayan. Hindi sila yung retired employee. Hindi sila yung lolo o lola na taga-bantay ng apo.

They were candidates. Organizers. Performers. Fundraisers. Friends. A King and a Queen. And surrounded by people who know exactly what this stage of life feels like. At least man lang sa gabing yun maramdaman nila kung ano pa ang possible sa edad nilang yan. Kayang-kaya pa rin pala!

Leave a Reply