
Halata kaya nila na di ako naligo kanina sa spinning class? Late na kasi ako. Di pa kasi ako tapos sa weekend reset ko eh kaso nag-book nga pala ako ng indoor cycling ng hapon.
Tina-try ko ipa-rebook ng ibang araw kaso within the day lang daw yung allowed nila or else cancelled sya. Eh jusko. Sayang naman binayaran kong first-timer promo na Php990 for 5 sessions. Ayokong sayangin yung Php198 today. Buti sana kung free trial lang eh.
So nagmadali na ako para abutan ko pa kahit na amoy Katinko pa ako. Ok lang yun papawisan din naman ako, ganun din. May nadatnan pa naman ako. Kaka-start pa lang nila. Kaso dyahe. Pag weekday kasi mga 6 lang kami pag last class. Pag Sunday pala ang daming tao, parang 20. Kung kelan pa naman gusto kong magtago.
Nakakahiya kasi sunod-sunod ang character-building activities. Mga tatlong beses akong nanghingi ng tulong sa mga tao sa labas. Una, hindi ko ma-lock yung locker. Tapos hindi ko pa rin marunong i-adjust nang maayos yung bike seat. Tapos nung sasampa na ako, saka ko lang na-realize na hindi ko pa pala suot yung special cycling shoes na kinakabit mismo sa pedal. Dun pa naman yung pwesto ko front and center sa tapat ng instructor.
Ang hirap makasabay. Second time ko na to actually pero di pa rin ako makasabay sa rhythm. Akala ko nga dati madali lang kasi sabi nga ng anak kong si Dakila, you’re just riding a bike with training wheels going nowhere. Pero di pala sya ganun kadali.
This is the part where I hate na may rule na bawal magpasok ng phone sa loob. I mean, kaya nga ako nag-sign up in the first place kasi gusto kong mapataas ang social status ko tsaka para ma-feel kong I belong kasi fitness and wellness conscious ang mga taga-Alabang. Tapos ni hindi ako makakapag-video man lang?! Di ko tuloy ma-content nang maayos. So anyway, ike-kwento ko na lang kung ano ba yung indoor cycling experience.
So ang dilim sa loob. Parang DJ yung instructor sa harap habang nagsi-spit ng bars na puro motivational quotes. Tapos nagpapatugtog sya ng mga kanyang pang-udz-udz at pinapatay-sindi nya ang ilaw.
Yung mismong workout, syempre papadyak ka. Pero hinalauan ng push up movements. Minsan nilalagyan din ng resistance para mabigat yung pagpadyak. Tapos sa bandang huli may pulsing gamit ang maliit na barbel. Jusko. Kung kelan hiyang-hiya akong itaas yung kili-kili ko. So mga 45min na ganun. Basically, nightclub siya where everyone is sober and suffering. Di na ito yung nakasanayan kong pambaranggayang zumba.
Di naman ako nagsisi. Actually masakit nga ulo ko nung umpisa. Pero habang nagwo-workout ako, unti-unting nawawala. Ang galing! Yun nga lang, di man lang ako nakapag-selfie habang pumapadyak. Kasi I paid Php198 for a 45-minute lesson in humility tapos I couldn’t even film the humiliation. Pero yes, alam ko naman na may value talaga ang pag-show up. You show up kahit late. You show up kahit awkward. You show up kahit wala kang muwang. You show up kahit may 20-katao na pinapanood kang mag-struggle in real time kasi di mo ma-lock yung sapatos sa pedal.
Very motivational.
Pero still, iba pa rin ang pag-show off.

Leave a Reply