
Finally na-meet ko na si Ricky Lee, National Artist for Film and Broadcast Arts. 25 years yung hinintay ko para sa moment na to.
Nung highschool pa kasi ako randomly nakita ko sa National Bookstore yung librong Trip to Quiapo. Nag-iisang copy lang sya sa shelf. Di ko pa kilala si Ricky Lee nun. Basta the book seems to be calling me. Wala naman akong pera nung mga time yun kaya tandang-tanda ko pa na itinago ko yung libro dun sa likod ng shelf para babalikan ko na lang kapag may pera na ko. Kaya feeling ko meant to be talaga para sa akin yung libro kase nung binalikan ko, andun pa rin sya.
Dahil dyan sa libro na yan kaya nangarap ako dati na maging isang manunulat, actually maging scriptwriter-director. Gusto kong gumawa ng pelikula dati.
Naging inspiration ko nga yang libro para sumali sa writing contest. Which was a big deal for me because, ever since, hindi ko naman talaga kino-consider yung sarili ko na “writer.” Sa utak ko parang reserved lang yun sa mga kaklase kong campus journalists. Dapat magaling mag-English or matatas magtagalog. Dapat magaling sa copy editing at proofreading. Dapat perfect. Eh ako pa naman ayokong sumunod sa grammar. Mahina ako sa prepositions. Simpleng at, on, in, eh ino-overthink ko pa. Kaya nga pati sa ng at nang, minsan unbothered na lang talaga ako eh. (Ironically, in the age of AI ngayon, minsan need ko pang pigilan yung sarili kong i-correct yung mga typo ko para lang di pagkamalang ChatGPT). Anyway, nanalo naman ako dun sa contest sa category, Maikling Kwento category nung highschool. I think it was one of the few times na nangahas akong sundin yung pangarap ko. Precisely because that’s what Trip to Quiapo inspired me to do, embrace my journey.
Come to think of it, ang tagal na yata nung huling beses akong nakapagsulat. Na-bash pa ako nang malala kasi sobrang haba raw, na-offend yung short attention span nila. Gayunpaman, di naman ako natigil magsulat pero naghahanap ako ng something to light a fire under my ass.
Buti na lang natunugan ko na book launching pala ng Quiapo Ilalim sa Manila International Book Fair. Sa totoo lang dapat di na ako a-attend eh kasi dami ko pang pending na books na babasahin. (Hiya man lang kasi sponsored pa ng tatay ko yung last book haul ko na inabot ng Php20K, tapos di pa nya na-ROI saken).
And just like when I first read yung OG na Trip to Quiapo way back 2001, I felt young and alive again. Partida, isang page pa lang nababasa ko nun habang nakapila sa book signing portion ni Sir Ricky Lee. Nakasulat dun sa page, “Ang librong ito ay para sa lahat, pero higit sa lahat, ito ay para sa mga nangangarap magsulat, sa mga nagsusulat na, sa mga magsusulat pa lang, sa mga natigil magsulat, at sa mga ayaw tumigil magsulat. Sa madaling salita, para sa ating lahat na madalas tawaging “baliw,” na sa kapirasong muta o patak ng ulan ay nakakakita ng kuwento”
Once again, it felt like this is very meant to be. Parang bumalik ako dun sa teenager na nagtago ng libro sa likod ng National Book Store shelf dahil wala pa siyang pambili.
25 years later, hawak ko na yung bagong libro.
At nasa harap ko na mismo yung taong nag-udyok sa akin na mag-commute papuntang Quiapo.
So yes, nakakakilig talaga kahit meron lang akong autograph nya tapos nakapagbidyo pa kami ng 6-sec. Kung papalarin nga next time gusto ko rin sana makasama sa workshop nya, kahit pang-ilang Star Circle Batch pa yan. Pero ok na yun. At least masasabi ko na in my lifetime eh nakadaupang palad ko ang isang Pambansang Alagad ng Sining, na somehow, without knowing me, helped shape one of my teenage dreams (Luh. Katy Perry?!). At least nagkatinginan kaming dalawa kasi malay natin someday maging National Artist rin ako. Pero sa larangan ng mahahabang captions.

Leave a Reply