my life is a sitcom

, , ,

Nag-feeling influencer sa Gogi Marami

Lately sobra na talaga yung inggit ko sa mga influencer at content creators. Part of my job as a Marketing Director eh i-establish from scratch yung KOL program namin kung saan ako mismo yung nagha-hire directly ng mga content creators for NextAsia. So syempre alam ko kung magkano yung binabayad sa kanila tsaka alam ko yung pinapagawa ko sa kanila. Kaya nga parang gusto ko nang i-rethink yung buong career ko. What if umasta na talaga akong influencer?

So habang malakas yung ulan sa Kamaynilaan, naisipan kong gawan ng content itong malapit na samgyupan sa office namin, yung Gogi Marami Premium Unlimited Buffet & Authentic Korean sa may Industry St sa Madrigal Business Park dito sa Alabang. Premium naman kaya dagdag points sa taste signaling ko. Nagpaalam pa ako sa boss ko na late na akong makakabalik sa office kasi ita-try kong gumawa ng UGC. Mag-isa lang akong nag-lunch out dahil di ko naman afford paliparin aming buong team.

So yun na nga. Struggle pala gumawa ng content mag-isa. Di ko alam kung ano uunahin kasi gutom na talaga ako pero hirap na hirap akong i-set up muna yung gimbal ko. Tapos need din bumalik sa office kagad.

Nag-walk-in nga lang ako eh. Actually dapat Php699 lang sya pag weekday pero dahil nga solo customer ako kaya may additional na Php100. Mas sulit pala talaga pag may kasama kasi bukod sa walang extra fee, di ko na rin need i-overthink kung magbabayad pa ba ako ng leftover fee na Php200 bilang takaw-tingin ako as a person.

Open naman pala to ng 24hours kung tutuusin kaya dapat di ako nagmamadali kaso need kong tumambling pabalik kagad ng office kasi kanino bang idea kasi na isingit during lunch itong social climbing activity na to? ๐Ÿ™„

Self Bar style sya. Unli buffet. So imbes na ihahain sayo yung mga iihawin mo, ikaw na mismo ang kumuha kung ano gusto mo. Sa dami nga ng choices na ready-to-eat na, pwede ka nang mabusog kagad sa fried chicken, sweet and spicy chicken, calamares, soy pork belly, pork stir fried, buttered shrimp.

Marami ring mga sides like tteokbeokki, japchae, korean pancake, kimbab, bean sprouts, potato marble, fish cake, crabsticks, at yung favorite kong kimchi. In fact, kahit anong karne ang ipares mo sa kimchi, laging automatic na maglalasang samgyup experience yan sya.

Nasaan ang sabaw?!? Ayy. Andun pala sa gilid. Meron silang Korean miso soup at beef radish soup. Nakita ko rin katabi nyan yung white rice and surprisingly, may garlic rice! Winner! At may itlog din sa gilid. Pwedeng-pwede na gumawa ng samgyupsilog.

Pagdating sa mga hilaw na karne na need pa ihawin, merong tumbong, jowls, duck, beef, pork. Ang alam ko thin pork belly yung pinili ko eh pero makapal pa rin sya. Which is good kasi baka yun yung nakaka-premium. Di tulad ng mga parang hilaw na bacon na kumakalas na yung tela sa salawal mo.

May mga dessert pang pandan jelly at coffee jelly. Tsaka syempre may unli ice cream, may chocolate at vanilla flavors. Wag nyo na lang pansinin yung pagkaka-dispense ko sa ice cream na nagmukha tuloy stool sample.

Tsaka marami ring mga gulay. May cheese sauce din. Sayang nga kasi di ko na-try.

Unli din yung drinks na iced tea and blue lemonade. Uhaw na uhaw nga ako sa blue lemonade nung time na yan. Ginawa kong Gatorade.

The truth is ang hirap pala talagang gumawa ng content. Konti lang na-mukbang ko. Although na-enjoy ko na naman yung thin pork belly + kimchi + garlic rice na go-to combi ko. Mas maa-appreciate ko sanang mag-underthink habang kumakain. Mag-ihaw na nga lang ng samgyup yung alam kong lutuin, nag-struggle pa ako. So mas ok talaga mag-samgyup dito nang may kasama at hindi nagmamadali. At hindi nagwo-worry kung kita ba sa frame ng close up shot ko yung cute kong earrings

Anyway, sumakses naman ako. Nakabalik naman ako sa office ng 1:30pm.

Late post na nga to eh. Bilang I identify as an influencer, may isa pa akong inoverthink na hindi ko na sana inooverthink kung nanatili na lang akong maging organic, unmonetized, and non-contenting normie, yung thought na, kelan ba to safe i-post? Syempre may baha pa last week. Binago na ako ng clout. Biruin mo na-threaten na akong baka ma-cancel ako kasi inuna ko pa mag-samgyup haha

Leave a Reply