
OMG! Totoo pala talagang nakaka-starstruck si Pitik Queen!! Alam nyo ba sinabi ko pa talaga sa kanya mismo na sa sobrang pinaghandaan ko talaga nang malaley itong mami-meet ko na sya, nagpa-Brazilian pa ako kagabi. As if naman makikita nya, di ba? I guess gusto ko lang maging kasing-busilak ng kalooban nya ang kalooban ko. Char. Ayun. Tawang-tawa naman sya saken.
Anyway, di ba nga naghahanap ako ng mga influencers at content creators para sa work ko sa NextAsia? Pero actually the initial plan talaga was to invite Pitik sa Tree Planting Activity namin para sa sustainability partnership namin with DENR. Eh kaso bumagyo so kinancel ko kasi safety first. Kaso nung na-resched, syempre dahil booked, blessed, and busy si Pitik Queen, di na sya nakasama. Bale today lang yung available date nya so di na talaga namin pinalampas. Nagpa-move pa ako ng lakad ng ibang department para magamit namin yung van para matuloy kami. Because it’s Pitik.
Apparently, dahil nga sobrang packed ng schedule nya, nagiging picky din sya sa mga engagements nya. Auto-decline sa kanya ang mga sugal. And kaya nya nga kami napaunalakan in the first place eh dahil nga very serious sya sa mga advocacy initiatives nya. At dahil nga nature-lover si Pitik, malapit sa puso nya ang reforestation dahil hiker sya. I lovett! Samedtt! Syempre sinisingit ko yung sarili ko sa usapan. Siningit ko agad na dati rin akong nagtrabaho sa NGO. Feeling ko kailangan kong ipaliwanag na humanitarian din ako kahit konti. Social development worker turned social climber.
Bilang social climber, ito ang ultimate clout chasing moment for me. Tinadtad ko sya ng tanong habang nasa byahe kami papuntang 2 locations namin sa Calamba, Laguna at Lipa, Batangas. Sabi ko sa kanya marami na kasi akong attempt na sumikat pero waley pa rin. Sabi ko kwentuhan nya ko.
ON HOW SHE MADE IT
Una kong nalaman, dapat pala pupunta na syang Dubai. Ang plan nya ay pupunta syang Thailand tapos eventually pupuntang Dubai para doon na maghanap ng work. As in naka-book na sya ng ticket nya nung first week ng December last year. Eh kaso nung 2nd week ng December sumikat yung Arizona B. And Pitik being Pitik, syempre nag-post sya ng entry nya sa Tiktok. Sabi nga nya elementary pa lang sya may pitik at soft moves na sya. She just kept doing her. Di nya inaasahan na yun na ang simula ng viral moment nya. Kaya nung January this year, sunud-sunod na yung engagements nya. Isipin nyo yun. Muntikan nang hindi mag-exist si Pitik Queen as we know her today dahil may ibang plano na pala sya. I mean, pwede naman din syang pumitik sa Dubai pero it probably wouldn’t be the same. Sa isang iglap nagbago yung buhay nya that she was never prepared for. As in umaapaw bigla yung opportunities sa kanya. Actually that made me hopeful to keep doing what I love to do.
ON HOW SHE’S HANDLING FAME
Ang dami talagang nasta-starstruck kay Pitik. Napatitig yung cashier sa Starbucks Drive Thru nung binuksan ni Pitik yung window nya para mag-order. Nung nag-lunch kami sa Conti’s, nagbubulungan yung mga tao, “Sya yun di ba?” “Si Pitik ba yun?” Tapos sinusundan pa kami ng tingin. Shet! Paano ba kasi maging ganung level? Yung tipong tumitigil yung mundo. Yung tipong may hang time yung pagsubo ng ulam. Sabi pa ni Pitik na madalas nga raw na ganun. Naaaliw pa nga rin sya na tipong kahit pagod na sya at wala sa mood, ita-try pa rin nyang mag-summon ng energy para todo smile pa rin sya. Minsan pag nakikita pa raw nya na parang nahihiya magpa-picture sa kanya, sya na lang mismo yung lumalapit para mag-picture. Sabi ko sa kanya buti pa sya. Ako nga di pa sikat, suplada na eh. Kaya siguro di ako sumisikat.
ON DEALING WITH BASHERS
Tinanong ko rin sya kung ano yung pinakamalala na naranasan nya simula nung sumikat sya. Sabi nya dati naapektuhan sya ng bashing. Well, elementary pa naman daw nabu-bully na sya dahil sa gender. Hanggang nung sumikat sya meron pa rin namba-bash sa kanya dahil bading sya. Nagco-comment na lang sya na “Yes, confirmed. Bading po talaga ako.” Pero may ibang bashers na umaabot sa puntong nagsasabi na sa kanya na sana magka-tumor sya. Ang harsh talaga. And despite that pinagdadasal pa sila ni Pitik. Grabe. Pero may isang beses naman daw na may gig sya sa Padi’s Point tapos may lumapit sa kanya na nag-apologize. Sabi nung guy dati raw syang basher ni Pitik pero ngayong nakita na raw nya sya in person, dun nya na-gets si Pitik. Na yung kinikita ni Pitik napupunta sa outreach nya sa Mindanao. Actually pag nakita mo talaga si Pitik in person mage-gets mo rin kung bakit. Tama lang talagang naging sikat sya. Isipin mo ang mga basher matapang lang yang mga yan kasi anonymous online pero yung mere fact na may former basher na nag-apologize sa kanya face-to-face, that’s like turning bashing around its head. Pitik turns anonymous hatred online and letting them face him tao sa tao.
ON HOW SHE STAYS GROUNDED
Alam nyo sa dami kong nakausap na mga celebrity, brand ambassadors, influencers, content creators from seed to mega, si Pitik lang ang nagbigay ng rate na reasonable. And guess what, di pa sa kanya napupunta lahat yun. Binabalik nya sa pag-outreach sa South Cotabato. Tinanong ko nga sya kung sa dami ng endorsement ba nya, di ba sya nag-inflate man lang ng lifestyle. Sabi nya gusto nya kung sino sya dati, gusto nya ganun pa rin sya ngayon. Pag may mga engagements sya, magco-commute pa rin sya via bus. Dami nga lang nagpapa-picture sa kanya. Pero simpleng tao lang talaga sya. Nakapagpundar naman sya ng iPhone 17 pro max at Insta360 X5 pero galing na yun sa excess nya kahit na kung tutuusin dapat bago lahat ng gadgets nya dahil content creator sya. Samantalang ako yung iPhone 17 pro max ko, 24 gives pa, wala pang isang taon kong binabayaran. Eh ni hindi nga ako influencer eh. Ako nga ready akong mabago ng pera eh, yung pera lang talaga yung hindi ready.
ON WHAT’S NEXT FOR PITIK
Sabi nya saken, matapos lang nya ang mga naka-line up nyang brand engagements, planong nyang gumawa ng content series about indigenous tribal education. Malapit talaga ang puso nya sa mga indigenous kasi part din sya ng T’boli. And he’s so proud of their culture kaya gusto nya talagang mai-share yun sa mundo. Ngayon ang ipinupundar nya bahay ng parents nya sa South Cotabato. Sa lahat ng ginagawa nya, lagi talagang nakaakibat na magbigay-pugay sa roots nya.
What a day! Dito ko pala mapapakinabangan yung all those months na kumakaldag ako sa pambaranggayang zumba sa Anytime Fitness. And yet di pa rin ako makasabay kay Pitik Queen. Pero at least masasabi ko na sa buhay kong ito eh naturuan ako personally ni Ian Mark Kamangkang pumitik and it’s a great honor of a lifetime
Sobrang fascinated talaga ako kay Pitik kasi her mere existence humbles me. May tao palang nag-e-exist na ganun. Ang pinaka-nakakatuwa sa kanya, hindi yung dami ng endorsements nya. Hindi rin yung milyon-milyong views. Ang pinaka-nakakatuwa eh parang wala namang nagbago sa dahilan kung bakit sya gumagawa ng content. Sumikat lang sya habang ginagawa yung gusto na talaga nyang gawin.
Siguro yun yung pinaka-natutunan ko sa araw na ‘to. Hindi pala fame ang nagpapabuti ng tao. Naa-amplify lang. Kaya kung sakaling dumating man yung araw na biglang may pumitik din ang algorithm para sa akin, sana hindi rin mawala yung dahilan kung bakit ako nagsulat in the first place.
At dahil dyan ngayon pa lang ipa-practice ko nang tumanggi pag may mag-offer sa akin na mag-endorse ng sugal. Kahit di naman nila ako kilala in the first place.

Leave a comment