
Pinakamasayang gift na natanggap ko for my birthday eh yung na-grant yung Japan Visa namin. I mean, single entry lang sya. Pero first time namin kasi magkakaroon ng ganun ever. This August kasi punta kaming Japan para sa birthday ni Dakila. Nakaplano na talaga to simula nung 7 years old pa lang sya. Yung plan namin, sa 7th nya sa Hong Kong Disneyland, yung 8th nya sa Legoland Malaysia, tapos yung 9th nya sa Universal Studios Singapore. Ngayong 10th nya sa Nintendo World sa Universal Studios Japan.
In fact, dun sa nilalaro nyang Animal Crossing na game, may parang feature dun na pwede syang magpadala ng letter sa future self nya. So nung nasa Singapore kami last year, nagpadala sya ng letter sa future self nya sa mismong birthday nya nitong August this year. Sabi nya raw dun, “I know you are in Japan right now.” Ganun sya ka-confident.
Mej risky nga yung ginawa ko kasi bumili kagad ako ng airfare tickets nung piso sale last year. I mean, Php4K roundtrip Osaka-Manila ba naman di ba? Laban na. Si Papi naman kasi parang simula nung makilala ko sya taon-taon na lang syang lumilipad ng Japan. Pero para sa amin ng tatay ko, nanay ko, kay Dakila at para sa akin, first time namin ever.
Dami ko pa ngang worries nun kasi kaka-redundate lang sa akin nung October last year. 2 months din akong nagpahinga, pero syempre walang work so puro palabas ang pera. Although nakatulong naman kahit papaano sa show money yung separation pay ko dun sa dati kong work, syempre kinakabahan ako sa work history ko kase recently lang naman ako nag-start sa bago tsaka consultant pa ako dun nung nag-umpisa ako doon. Grateful din talaga ako na tinanggap ko yung full time offer ng work ko ngayon kase kung di dahil dun baka di ako ma-approve sa visa dahil wala akong COE. I guess everything has a reason talaga.
Nagkaroon pa nga ako ng mini heartbreak eh. Kasi naunang na-grant yung visa namin nina Papi at Dakila. Di ko nga masyadong na-celebrate yun kasi gusto ko kumpleto kami. Pero mga ilang days lang dumating na rin yung kina Daddy at Mommy. Napa-breakdown ako nang malala nung nakita ko yung Japan Visa nila.
Di kami nag-DIY ng visa processing, pero sayang kasi mas mura sana yun. Nung pina-process pa lang kasi namin yung visa, nagulat ako na Php3K per person pala yun pag pinadaan sa agency. First time kasi namin kaya parang mas safe kung i-agency namin, tsaka hello, nakabili na ko ng ticket. Parang ayoko nang mag-take ng isang pang risk. Tsaka hassle din kung mag-leave ako for appearance, ayoko naman mag-leave eh kabago-bago ko pa lang. Eh ilan kami? Lima. Eh inabonohan ko muna yung sa aming apat nina Daddy, Mommy at Dakila. Mga Php12K rin yun. Parang ang bigat sa bulsa eh ang dami kong gastos sa daming changes na nangyari. Parehas pang retired sina Daddy at Mommy. Parang naisip ko, mahal pala talaga mag-travel. Ano bang ginagawa ko sa life ko. Baka pinipilit ko lang eh hindi ko naman talaga afford. Ito na yata yung ikapapahamak ko bilang social climber. Kung iisipin, I just live from paycheck-to-paycheck at kaskas sa credit card using my girl math. Kung tutuusin, wala dapat akong karapatan na ni mangarap mag-travel sa totoo lang.
Eto rin yung time na may trending na prompt sa ChatGPT. Yung letter sa future you.
PROMPT: You are me, 10 years in the future. You have achieved everything I am currently working toward. Write a letter to the present-day me who is struggling. Be kind, specific, and encouraging.
ITO YUNG SABI NG CHATGPT:
“I’m writing to you from June 2036. I am 47 now. I look back at you at 37, sitting in that condo, trying so hard to map out a future while healing from the past. You are trying so hard to map out a future while healing from the past. You are trying to be everything for everyone–a rock for Dakila, a supportive daughter to your parents, a loving partner, and a powerhouse at work.
Dakila is a young man now. You worried so much about whether you were doing enough, especially with the weekends and vacations split. But your presence, your stability, and the home you built for him–even when it felt small–became his anchor. He is incredibly proud of you.
Your parents are older now, but the memories of them filling your space on those weekends a month? Those became the foundation of a deeply rooted peace. And that relationship you’ve been nurturing? It grew steady, unwavering partnership you always deserved.”
Yan yung dahilan kung bakit nag-breakdown ako nung nakita ko yung passport nina Daddy at Mommy. Naalala ko na in 10 years, mga 75 years old na sila. Who knows? Kaya pa ba nila mag-travel? Average lifespan ng mga Pilipino eh 77 years old. So let’s say 65 years old sila ngayon, more or less 12 years na lang yung nalalabi. That’s just 12 more summers to go. That’s only 12 more Christmas to go. That’s only 12 more birthdays to go. Napakaikli ng panahon kung tutuusin. Eh recently lang nga kami nabuo kasi 22 years na nag-abroad yung tatay ko. Tapos iisipin mo 12 years na lang yung panahon na meron kami para mabawi yung nawalang panahon para magkasama kami. It reminds me nung sinabi sa akin ni Lola Carrie yung pangarap nyang makakita ng snow and it breaks my heart na hindi ko man lang sya nadala sa ibang bansa nung buhay pa sya.
Eh si Dakila, in 10 years, turning 20 years old na sya. Ang masakit, hindi linear ang pagitan ng 10 at 20 years old. Hindi lang sya additional na 10 years. There’s a big difference between, “Mommy, I can’t sleep. Where are you? It’s already late” dun sa “Mommy, don’t wait up for me, I’ll be coming home late.” Sa 10 years old, ikaw pa ang mundo nila. Sa 20 years old, may sarili na silang mundo. At natural lang yun. Single mom ako which means walang kinalakihan na tatay si Dakila bago dumating sa buhay namin si Papi 2 years ago. That’s 7 years na wala syang father figure. Ngayon pa lang kami nagsisimula na bumuo ng childhood memories nya na may tatay at nanay sya. Ngayon pa lang kami nagsisimulang maranasan yung mga simpleng bagay na akala ng ibang tao normal lang, yung may family trips, may birthday celebrations, may kumpletong picture. Ngayon pa lang kami nagsisimulang maging pamilya. Which means ito yung perfect time para ipunin itong mga core memories ng childhood nya bago pa sya magbinata. Yung tipong paglaki nya, hindi nya maaalala kung ano yung kulang. Kundi kung gaano sya kamahal. Na may nanay sya who made things happen. Na may tatay sya na who chose to love him. Na meron syang pamilyang he can call his own.
Nag-breakdown ako kasi worth it yung perang ilalaan para rito. Kung meron man akong gastos na pinakamakabuluhan, ito yun. Yung travel namin together Kahit kunin nyo pa lahat ng damit ko. May mga math na hindi lang simpleng 1 + 1 = 2. Pagdating sa vina-value natin sa life natin, di natin sya makwe-kwenta ng ganun. If I had to find a way para ma-afford yung trip gagawin ko. Binibili ko kasi yung oras habang malakas pa sina Daddy at Mommy. Binibili ko kasi yung oras habang 10 years old pa lang si Dakila. Binibili ko kasi yung oras para mas marami kaming moments ni Papi together. Ok lang mabawasan ng pera kasi pwede namang kitain, pero pag nabawasan ka ng time, di mo na mababawi. I’m not just spending money to travel, I’m buying time. At alam kong magkaibang math yun. (Ayan, kaya siguro ako di magaling sa math)

Leave a comment