
Pwede na siguro akong mag-post ng spoilers no? Late na nga ako nakanood ng The Devil Wears Prada 2 dahil busy ako sa aking pagiging social media starlet. Yung tipong wala na akong maaya kasi napanood na ng lahat. I think ito ang kagandahan na may jowa kasi may makakaladkad ka. Jowa duty nya ang samahan akong manood ng chick flick.
Actually kaya lang naman kami napadpad ni Papi ng Cubao kasi na-miss namin ng 30min yung show time ng movie sa ATC. Eh last show na yun dun. Ang next na nahanap namin eh sa Gateway pa. Talagang binyahe pa namin yun all the way from Alabang. Tapos yun pala sa Wolfgang Premiere. Natawa na lang si Papi na bigla ko na lang binili yung pagkamahal-mahal na ticket. Ako nga rin nabigla sa sarili ko. Pero anong point na dumayo pa ako kung di ko rin lang gagawin yung full experience?
As much as I wanted to watch the movie, gusto ko rin actually ma-try din talaga manood sa Wolfgang Premiere dati pa. Kaso parang walang movie na kaparehas ng leveling nya in terms of taste signaling. So sakto talaga tong The Devil Wears Prada 2. Wala pa ako sa loob, nai-imagine ko nang umiinom ako ng cocktail habang nakadekwatro sa La-Z-Boy.
Buti na lang may nagse-serve ng food sa loob kasi buzzer beater kaming pumasok sa sinehan at wala nang time para bumili ng foodams. Excited akong umorder ng sandwich na inclusive na dun sa binayarang ticket. Yung roast beef yung kinuha ko habang yung pastrami naman yung kay Papi. Ok naman. Masarap naman. Mas prefer ko lang siguro na mas sloppy yung sandwich. Nag-add on pa kami ng drink kahit may libreng bottled water naman. Umorder ako ng margarita bilang bestseller nila yun tapos si Papi nagkape naman.
Ok, about the movie. Very meaningful sya for me as a journalist myself (counted naman yung araw-araw nagsusulat sa journal, di ba?). Actually ako nga ang top of mind ng karamihan nung pinalabas tong movie na to dahil lang sa “Akala-mo-kung-sino” sense of style ko. Sabi nga ni Papi halos lahat ng damit ni Miranda Priestly, meron na ako (Nagbunga rin ang pagma-mine ko). At least nakakasabay na sila ngayon saken chz.
Anyway, yung highlight ng movie for me eh yung nakita ko yung Dries Van Noten na tassel tweed jacket ni Miranda Priestly. Utang na loob! Ang ganda!! Parang na-unconscious ako ng ilang segundo. Bilang mahilig naman ako magbigay ng meaning, feeling ko very masterful kung paano nagamit sa eksena yung damit. I mean, who would’ve known na magsusuot ng very whimsical piece si Miranda? And yet andun pa rin yung authoritative aura nya. You need a special vibe to pull that off. Isipin mo na lang mukha syang kinabitang ng random nipple tassels but she made it work. Ganda rin kasi ng combination ng kulay. Tapos texture on top of texture pa gawa ng tweed tapos pinatungan ng fringe.
Ang absurd ng theory pero what if yung makulay na Dries Van Noten outfit ni Miranda ay high-fashion version ng mga stripper na may nipple tassels? Di ba dati kasi parang armor yung damit ni Miranda na stiff at rigid? Pero ngayong nalulugi ang print media, nagti-Tiktok ang mundo, tsaka pati siya napipilitang mag-economy class, parang di na sya uubrang ice queen. Kailangan na niyang mag-perform as in performance level na burlesque levels. Kung dati ang coat ay tungkol sa currency ng fashion power, itong tassel jacket naman ay naging tungkol sa performative luxury chz. At sa panahon ng AI billionaires na gustong gawing algorithm ang lahat, parang statement na rin to ni Miranda. Na parang she’s saying na fashion is supposed to be tactile, messy, human, and a little bit ridiculous. Which explains all my outfits chz (syempre dapat maging tungkol saken palagi)

Leave a comment