my life is a sitcom

, ,

May nam-bash saken, sabi nya mukha raw akong Gremlin

Share ko lang na may online troll ako dati like 2 years ago. Sabi nya mukha raw akong gremlin. Ewan ko ba dun, ina-attack nya itsura ko. I have to say, it got into me. More than anything, nanggigigil ako sa fact na this person dared to even come for me. I mean, what made this person think we’re on the same level? I don’t deal with nobodies. But that’s my ego talking. Looking back, baka hindi lang yung ego ko yung natamaan, pati yung core wound ko rin, aminin ko man o hindi.

I grew up thinking I’m ugly. Di naman ako na-bully. Mga usual asaran lang ng mga kapwa ko batang yagit. So basically, wala naman talagang nagsabi na pangit ako. Pero syempre bilang bata, pag nakikita mong takot mangitim yung mga tao, syempre papasok sa utak ko na pangit pala pag maitim tapos maco-conscious ako sa balat ko. Or pag mas habulin ng guys yung mga chinita, syempre papasok sa utak ko na yun pala yung attractive tapos iisipin ko yung lang ang nag-iisang standard preference. Walang nagsabi saken na pangit ako pero na-form yun based sa nakita kong basis ng beauty sa paligid ko, and I didn’t measure up.

And siguro, partly why ginawa kong identity yung pagiging matalino eh kasi that’s the only way for me to be seen. Wala namang nagkakagusto saken as me eh. I have to earn it. Kaya super grade-conscious ako nung estudyante pa ako. Parang nakasalalay yung buhay ko sa pagkuha ng mga honor rolls. Dun man lang ma-prove ko yung value ko.

Ganun naman gumagana utak natin eh. Predictive machine yan. Hindi lang tayo basta nag-o-observe ng mundo, gumagawa tayo ng meaning from patterns. Kaya minsan kahit wala namang explicit rejection, your nervous system still learns: “Kailangan kong mag-compensate so that I can negotiate lovability”

There were times rin na nagco-collapse yung identity ko kasi I’m not always the smartest person in the room. At dahil sa mga ganung identity crisis ko, di man ako ang pinaka-mautak, feeling ko naman ako ang mgay pinakamatabang utak. So ginamit kong crutch yung humor. Meron akong crush dati nung Grade 2 tapos ang ginawa kong way para makausap ko sya eh gumawa ako ng sarili kong magazine kung saan nagdro-drawing ako ng comics, nagsusulat ako ng articles, at gumagawa ako ng maze. Pag napapatawa ko sya feeling ko kinikilig ako kasi nagiging close kami. Gumawa pa nga akong notebook nun kung saan sinusulat ko lahat ng mga cino-compile ko yung mga GM sa text na mga jokes. Pinagpasa-pasahan pa nga yun para i-xerox ng mga schoolmates ko para may kopya rin sila. So ayun nga, dun ko na-derive yung significance ko.

All that work just because I wanted to be loved. Looking back, baka nga naging matalino at mataba lang utak ko kasi nga feeling ko walang nagkakagusto saken dahil iniisip ko pangit ako. In a way, it’s a blessing. Pero syempre nung bata ako, ang iniisip ko kung pwede lang, I wish I was someone else. Sana di na lang ako naging maitim. Sana malaki na lang boobs ko. Sana mas matangos ilong ko. I’d rather be loved than to be witty. I always wondered when I was younger kung ano ba feeling ng may nagkakagusto sayo. Yung di mo kelangang patunayan sarili mo.

Pero nag-evolve na rin naman view ko sa beauty as time went by. May phase din sa life ko na nahanap ko yung niche ko. I found out na mabenta pala ako sa afam dahil bet nila mga exotic. For once in my life, I felt na di ko kelangang baguhin yung sarili ko para magustuhan. Di ko kelangan ng maputing siko at tuhod. Di ko kelangan ng malaking boobs. Di ko kelangang maging matangkad. For the first time I felt I was desired. And for a while, ang sarap sa pakiramdam. Pero syempre dahil overthinker ako, eventually napa-isip rin ako: teka lang, self-acceptance ba to? O ina-outsource ko lang self-worth ko sa validation ng ibang tao? Like, healed ba talaga ko? Or na-fetishize lang in a way na convenient sa insecurities ko?

Fast forward nitong matanda na ko, di na naging issue yang beauty. Na-philosophize ko na yan so many times tuwing maglo-long post ako about empowerment. Very body positivity-coded. Very “love yourself” energy.

So nagtaka rin ako bakit sobrang triggered ako nung tinawag akong gremlin.

Kinuwento ko kay Papi. Ang seryoso ko pa nun. Feeling ko dapat ipagtanggol nya ko.

Pero ang reply lang nya sakin sinendan nya ako ng picture ni Megan Thee Stallion na naka-gremlin costume.

“Embrace your gremlin,” sabi nya.

Bwiset.

Natawa na lang ako bigla. Nawala init ng ulo ko eh.

Di ko alam kung classic negging move ba to o ano eh. Pero I immediately felt a sense of peace.

At dun ko na-realize yung difference ng secure love versus validation addiction. Through his eyes. The way he saw me. I mean baka nga simula’t sapul mukha pala talaga akong gremlin sa paningin nya. But he loved me anyway. I mean, kanino pa ba dapat ako magpaganda? Eh kaming dalawa lang naman makikinabang nun? I’m not for everyone. Kay Papi lang ako.

At higit sa lahat, ni-remind ako ni Papi na ako mismo ang mag-embrace sa pagka-gremlin ko. I don’t have to take myself seriously. Kasi mahirap i-manipulate yung taong kayang tawanan ang sarili nya.

Eh ano ngayon kung gremlin ako?

May jowa akong may gusto sa gremlin.

At higit sa lahat, nasa tamang gremlin sya.

Leave a comment