my life is a sitcom

,

Akala ko na-scam na ako ng Burger King eh

Pero in fairness, saludo ako sa service recovery management ng Burger King. Minsan na nga lang ako pumatol sa mga collectibles eh. Nagkataon kasi na parehong fans sina Papi at ni Dakila ng Star Wars. So nung mga ikalawang araw since ni-launch yung Galactic Duo burgers biglang napabalita na nagkakaubusan na raw kagad ng movie-themed mugs ng The Mandalorian and Grogu. Di naman talaga ako mahilig sa ganyan pero gusto kong makakuha for my boys. Di ko rin ma-explain kung bakit parang bigla lang akong nagkaroon ng sudden urge na mapasaakin yung highly-coveted na mugs na yan. 

At least dito sa may Festival Mall dito sa Alabang meron pang natitirang Mandalorian mugs. So syempre nag pa-Grab na ako ng dalawa, tig-isa si Papi at Dakila. Keri naman. Shinare ko na lang yung Galaxy burger sa mga officemates ko.

Yung Grogu na lang wala. Pero di ako sumuko. Inisa-isa ko yung mga branch na malapit sa iba’t ibang bahay namin from Alabang, Makati, at Bulacan. Kaso wala na lahat sa Grab. Di naman ako makapag-check ng ibang branches pa sa Grab kasi out of delivery area na.

Baka sa probinsya na ako makahanap. Pero dahil out of delivery area na, naisip ko mag-order na lang ng takeout sa app ng Burger King tapos ipa-Lalamove ko na lang. Sa wakas may nakita na akong Grogu! Kaso sa Burger King – Shell of Asia sa Guiguinto, Bulacan. Keri lang, pa-deliver ko na lang sa bahay namin sa San Jose del Monte, Bulacan.

So ok na. Feeling ko ang tali-talino ko dun sa part na yun. Nakapag-order naman ako ng 3pm that day. Habang naghihintay, nag-reach out pa ako sa mobile number, email, at Facebook Messenger nila, naa-anxious na kasi ako pero walang kahit anong reply. From 3pm, inabot ba naman ng 6pm na maging available for pick up yung order ko. So dun pa lang ako nag-book ng Lalamove. Dun sa mapa nakalagay na 9mins away lang yung driver sa Shell of Asia. Di ko rin gets bat umikot pa sya. Imbes na 9mins away naging 2hrs yung byahe. So nakarating yung Lalamove sa Burger King ng 8pm.

Biglang tumawag sa akin yung Burger King sa Shell of Asia. Akala daw nila hindi ko na raw pi-pick-up-in yung order ko so binigay na nila yung isang Grogu mug sa iba. Ok lang daw bang Mandalorian na lang yung isa? Ang dami rin daw kasing ibang customer na nagpa-Lalamove (akala ko ako lang nakaisip nun). Nalito na rin daw sila.

Never akong naging Karen sa tanang buhay ko pero this time tinalakan ko talaga sila. HINDI OK YUN! Gawan nila ng paraan. You think sasadyain ko pang bumili sa Shell of Asia at ipa-Lalamove kung papalitan rin lang yung order ko eh bayad na yun? 3hrs ako naghintay ng order sa Burger King tapos nagfo-follow up ako on all platforms, walang reply. Tapos tatawagan ako na nabigay na sa iba kasi ang tagal ko raw i-pick up? Eh kasi naman, isa pa tong si Lalamove na 9min away na nga lang biglang ginawang 2hrs ang byahe. Jusko! Di ako papayag na I made all these impractical decisions for nothing. Basta ang sinabi ko na lang gawan nila ng paraan kasi nabayaran ko na yun. 

In fairness naman din sa Burger King talaga. The following day, pina-Lalamove nila yung Grogu mug. Sa Mexico, Pampanga branch pa nila nakuha yung stock na yun. I mean, I’m sure nahirapan din silang maghanap ng available stock across their branches. Masaya na akong ginawan nila ng paraan. I mean, lahat naman nagkakamali. Understandable yun. Ang importante eh kung paano itatama yung pagkakamali. And that’s why na-appreciate ko talaga ang Burger King – Shell of Asia.

Also, masarap yung dalawang burgers ah. Mas favorite ko nga lang yung black kesa sa green kasi may onion rings yung Galaxy burger. Pero di rin patatalo yung Bounty Crispy Chicken.

So ayun. I went out of my way and went to great lengths para lang makakuha ng Mandalorian and Grogu mugs for my boys. Actually, na-enjoy kong mag-scour around para makahanap ng stocks kahit sobrang impractical. Ganun yata talaga pag ang calling sa life ay ang gumastos. Siguro dapat sa procurement department ako natalaga para shopping lang ako ng shopping. 

May the 4th be with you!

Leave a comment