my life is a sitcom

,

Na-damage ego ko dahil sa chismis sa Alabangerz community namin

Sabi ko ico-content ko tong latest showbiz happenings tungkol sa Alabangerz community namin eh. Funny kasi kabago-bago nitong community na sinalihan ko sa Alabang. Parang 2 days bago ako tuluyang mag-move in, may nakita ako sa Threads na bumubuo ng GC ng mga Alabangerz. Syempre sumali ako para i-promote yung binabalak kong workshop. Dami rin kagad members nung GC, in fairness ah, mga around 54 kagad.

Nakatatlong grand EB na ako actually. Lagi akong present sa mga meetups tuwing Sunday. Yung una sa Westgate, tapos Molito, tapos Central Park. 

Pero wala talagang tatalo dun sa juicy na pasabog. Mind you, 3 weeks pa lang GC namin ah. Apparently, merong guy na nag-join sa GC tapos nag-a-add lang ng lahat ng mga babae tapos nanghihingi ng cuddle, nag-aaya lumabas ng one-on-one hangout na di kasama yung mga nasa GC, at  diumano’y nag-o-offer pa raw ng indecent proposal. After nya i-add lahat ng girls, nag-leave GC sya. One time, may isang nag-expose nung buong convo nila. Tapos isa-isa nagsi-reveal ng mga screenshots ang lahat ng babae sa GC. Lapagan ng resibo. Very ‘Me Too’ movement. Ang dami palang nabiktima. 

EXCEPT AKO! 

The thing is, bakit lahat na-message nung guy? BAKIT AKO LANG HINDI? Na-FOMO tuloy ako in a bad way kasi napa-overthink ako nang malala. Ano ba yang criteria nya for judging? Bat ako di nasama sa listahan nya ng bibiktimahin? 

So nag-rant ako dun sa GC namin. Syempre dapat maging tungkol sa akin ang issue. Eh ano ngayon kung may predator sa GC? Ang mas mahalagang issue rito, bakit ako left out? Bakit ako lang ang hindi kasali? Wala ba syang konsepto ng inclusivity???

Gusto ko syang i-confront, “Hoy! Ano? You think you’re better than me? What makes you think na hindi ako qualified na maging next victim? Porket hindi kita papatulan at gagamitin lang kitang content for clout ko isi-skip mo na ko? How dare you”

I mean, may jowa naman ako. I think peace of mind nga ni Papi na sa sobrang unapproachable ko, di sya mapapaaway kasi hindi ako kasama sa target market ng mga predator. (Actually kahit harmless people nga natataboy ko eh) Tsaka we don’t even need this mess in our lives to begin with. PERO AGAIN, this is about me being oppressed. Na-oppress ako kasi hindi sya equal-opportunity predator. 

It opened a lot of questions. Una sa lahat, kung lahat ng babae minessage nya at ako lang hindi, so babae ba talaga ako? Pati gender ko na-question ko na tuloy. I mean, ayoko namang umabot sa point na i-question ko kung pangit ba ako? Let’s not even go there. 

Kung iisipin mo, hindi naman talaga ako na-FOMO dahil gusto kong ma-harass. Mas nakakahiya actually yung reason. Yung utak ko kasi, hindi naman yan sya ganun ka-discerning. I guess di nya ma-differentiate kung “good attention” ba yan o “bad attention.” For my brain, attention is attention. Dopamine is dopamine. Ang binibilang lang niya: na-consider man lang ba ako o hindi? So nung lahat sila minessage tapos ako lang hindi, hindi siya nag-register as “safe ako.” Nag-register siya as “naligwak ako.” And now it’s a form of social rejection.

And aminin na natin, na-damage talaga ego ko. Chzzz

Leave a comment