
Bat ba kasi nag-uproot pa ako ng life ko papuntang Alabang? In this economy? Naalala ko nung naghahanap ako ng work, ang top consideration ko talaga remote para work from home at lagi kong kasama si Dakila. Nagsimula to nung rumaket ako as a consultant dito sa Alabang. Keri lang naman kahit sa Bulacan ako talaga umuuwi asi twice a week na work from home. At nag-stay naman ako sa apartment ni Jed sa Makati kapag kelangang on-site. Tsaka akong clock in clock out so perfect na perfect sa lifestyle ko.
And again, in this economy, walang puwang ang pagiging choosy. Nung nag-offer yung client ko ng full-time role, ginrab ko na. But that means kelangan ko nang lumipat sa Alabang. OFW feelz na naman ako. Syempre maiiwan si Dakila sa probinsya kasi doon sya nag-aaral. Mahirap naman na ma-disrupt yung day-to-day nya. Yun nga lang, grabe talaga yung sepanx nya nung sinabi kong aalis ako.
To be fair, napamahal na rin naman ako sa Alabang kahit nung pa-raket-raket lang ako dito. Ang luwag, ang aliwalas, ang hinahon, ang kalmado. Very suburbs. In a way, I don’t mind moving here. Kaso magiging magastos nga lang kasi lilipat na naman ako uli. From San Lorenzo, Makati to Ayala Alabang, Muntinlupa. Kapagod kasing mag-P2P everyday. Lilipat na lang ako because I’m willing to buy my time. Baka ito na yung opportunity ko na seryosohin ang pagsusulat. Parang si Victor Hugo na nag-isolate sa bahay para matapos yung The Hunchback of Notre Dame (Actually ni-lock pa nga nya lahat ng damit nya para di sya makalabas at matapos yung libro para umabot sa deadline pero kalabisan naman na yata yun for me). Bottomline, I need my sacred space for writing!
Anyway, as an entry-level social climber, meron pang ibang advantage ang paglipat ko sa Alabang. Basically, all I’m doing is the “Onassis Strategy.”
Kilala nyo ba si Aristotle Onassis? Well, di ko rin naman sya kilala. May napanood lang akong YouTube short na nabanggit sya. So isa sya sa mga pinakamayamang tao noong 60s. Ang sabi nya: “If I were to lose everything and find myself flat broke, the first thing I would do is buy the most expensive suit I could afford, even if it took my last dollar. Then, I would go to the most exclusive restaurant or yacht club where the wealthiest people gather. I would sit there, buy a single cup of coffee, and just sit in the same room with them. I wouldn’t need to talk to them. I would just be in their energy field, because their dreams are big, their thoughts are expansive, and their frequency is one of success. By being in that physical space, I would begin to vibrate at that same level.”
Oh di ba? Akong-ako. Di ko pa alam na nag-e-exist yang si Onassis, ginagawa ko na strategy nya. Actually baka nga apocryphal story to, Meaning, parang totoo tsaka nachismis na sa lahat tsaka may lesson pero yun nga lang, baka di talaga nangyari in real life (Na parang yung quote lang ni Anne Curtis na “I’ll buy you, your friends, and this club” pero di naman pala totoong sinabi nya yun).
Anyway, kahit textbook social climbing 101 ito, I still think it makes sense. Kung titingnan natin ang neuroscience of it all, it’s just our brain being a literal prediction engine.
First off, yung utak natin merong “body budget.” Kung nandoon tayo sa magulo, maingay, at “stressed” na environment, ubos ang energy ng brain natin sa pag-survive pa lang. Pero kapag nasa Alabang tayo na open, airy, and organized, may matitirang surplus energy yung utak natin.
Dito na pumapasok ang Environmental Priming. Dahil nalalanghap ko ang airy atmosphere of the South, pino-program ko ang brain ko to feel safe and creative. Na para bang sinasabi ko sa utak ko na, “We finally made it.”
Tsaka alam nyo naman yung RAS, no? Yung Reticular Activating System. Ito yung filter ng utak natin. Kung napapalibutan tayo ng burnout hustle culture, puro problema lang ang mahahanap ng RAS. Pero being in the energy field of successful people in Alabang? Yung RAS ko lumalaks ang radar sa mga high-level opportunities in flow states. Subconsciously, we’re reading the room through our mirror neurons, nao-observe natin kung paano gumalaw ang mga alta, yung hindi sila nagmamadali at wala nang dapat patunayan. Dahil sa predictive nature ng utak natin, nahahawa na rin tayo sa kanila na para bang nasa fine dining restaurant tayo palagi.
Pero pansin ko nga rito sa Alabang walang nagagalit. Walang mainit ang ulo. Walang nagka-Karen. Siguro kasi puro mayayaman dito kaya chill lang.
So yun na nga, yung paligid natin ay blueprint ng thoughts natin. Sabi nga nila, if you want to think big, you have to place yourself where “big” is the standard. And I’m basically hacking my neuroscience to match my delulu.
Actually, nung bumisita si Dakila dito sa Alabang, sobrang natuwa sya. He feels he belongs in this condo. Parang nakatira sya dito. Pa-swimming-swimming na lang sa pool. Imbes na feeling nya nagkahiwalay kami kasi lumipat ako ng bahay, ang na-feel nya ngayon may isa pa syang bagong bahay na uuwian para mag-staycation
Stay classy, stay expansive!

Leave a comment