
We don’t talk about it enough pero parehas kaming may industrial design background ni Papi. Yun nga lang we don’t practice it professionally. Nung nag-match kami sa Bumble, napag-uusapan din namin mahilig sya sa brutalist na architecture. Ako naman maximalist ang fashion sense. Although nabanggit naman namin sa mga convo namin na mahilig kaming mag-drawing noong bata pa kami kakanood ng anime. Mahilig din kaming umattend ng mga art fairs. Pero hanggang dun lang
Kanya-kanya kami ng design background. Di tinapos ni Papi yung course nya sa Mapua. Yung akin, tinapos ko naman UP Diliman. Cum Laude pa nga eh. (Bat kelangan pang sabihin? Ano to, LinkedIn?)
Iniisip ko nga dati kung dapat nga nag-shift na rin lang ako. Di ko masyadong pinag-isipan yung course ko nung nagfi-fill out pa lang ng form sa UPCAT. Nanay ko naglagay ng Fine Arts dun. Nung pumasa akong UPCAT namimili na ako ng major, pinili ko industrial design kasi parang bago-bago pa sya nung mga panahong yun. Kung nag-shift ako dati ang balak ko sanang kunin Film. Pero who cares. Di naman design or film ginagawa ko ngayon kundi brand.
So yun na nga, di naman namin napag-uusapan ni Papi na parehas kaming industrial designer.
Nakakakilig lang kasi habang tinutulungan ako ni Papi mag-assemble ng mga pinamili ko para sa condo, naisip ko lang na it’s cute that we’re building something together.
Mahilig sa mga LEGO sets at Gundam kits si Papi. In the zone yung utak nya kapag nagbi-build sya. Di na nga nya kelangan ng manual minsan eh. Titingnan nya lang yung parts tapos alam na nya kung paano buuin. Minsan di ko nga gets kung bakit ang tyaga nyang magbuo ng mga bagay-bagay. Isang beses nga lambing ko sa kanya na magpabili ng flowers tapos ang binili nya sa saken bulaklak na lego set, buuin ko raw. I guess love language nya yun.
Ako naman, baduy na talaga noon pa man. Ngayon ko lang naman na-consider ang sarili ko na tastemaker. I just love the thought of playing with concepts. Minsan gusto kong maging Uncle Red, minsan gusto kong mag-mukhang chicken ng Uncle John’s. I love the challenge of putting together disparate ideas and somehow show you na it’s possible, it works, I can rock it. Basta gusto ko nang paiba-iba.
May mga natutunan akong magkaibang perspectives namin. Ako kasi ang nagma-matter sa akin yung harmony. May sense ako ng what goes well with something, either by color, material, or what have you. Ako lang makakapagsabi kung ano yung out of place. In my head, it all makes sense, they go together, kahit di mo gets. Yung tipong, may isang piece akong pinag-iinitan kasi parang di sya belong, pero for normal people ok lang naman.
Si Papi naman ang importante sa kanya eh yung quality. Yung tibay. Yung sturdiness. Yung structure. Yung form and function. Dapat matibay enough for the stress test. Kaya naloloka sya saken na puro mga flimsy yung pinagbibili ko dahil gusto lahat white at beech wood na mumurahin basta maganda tingnan sa picture.
But I think pag pinag-combine yung design worldview namin, we can do some magic, or kahit money na lang. Mapakinabangan man lang yung industrial design background namin. Baka dito talaga kami pinagtagpo, somewhere between flimsy and sturdy, form and function, aesthetic and structure. Or maybe just over a LEGO flower set on the floor. As long as it’s together.

Leave a comment