my life is a sitcom

The power of kanal humor in shaping Pinoy culture

Napagkamalan na akong nangca-catfish dati kase bat daw di ako funny in real life? Uhm baka kase mas mukha akong ghostwriter sa personal char

Bilang isang “try hard”, bilib na bilib ako sa mga comedians lalo na sa Pinoy humor. Di ko alam kung ang taba ng utak ng mga tao o sadyang marami lang time pero ang dami kong memes na nakita that made me say I’m proud to be a Filipino char

Sabi nga nila, laughter is your friend (with benefits):


1, According to research, meron tayong tinatawag na “national humor” para mabawasan ang conflict o mga alitan. We’re not that confrontational. Para sa isang 3rd world na bansa, di lang basta nagiging escape ang comedy dahil nagiging necessity ito para sa survival ng ordinaryong Pilipino na gumon sa kahirapan para lang magpatuloy at mabuhay pa ng isang araw na hindi nawawalan ng pag-asa o ng sariling bait.

2, Ang pagtawa natin ay nagsisilbing paraan para matanggap tayo ng kapwa na parang “social glue”. Nagbibigay ng sense of belonging ang shared laughter lalo na kung it’s laughing with someone kesa laughing at someone. In fact, the brain mirrors other people’s laughter, salamat sa mirror neurons. Ibig sabihin, kahit di mo gets agad yung joke, tatawa ka pa rin kung tumatawa na lahat. Bakit? Kasi gusto nating makisama at hindi ma-FOMO. 

3, Sa gitna ng trahedya, ang pagtawa ay coping mechanism para makapagpawala ng takot because laughter hijacks the amygdala. Nakakatulong sya sa pag release ng anxiety kase nakakapagpababa ito ng stress hormones. Nakakatulong ito sa immune system at sa pag-increase ng blood flow (kaya siguro may pagbulwak kapag tumatawa pag may period char)

4. In a way humor is a form of our cultural resistance. Para sa mga Pinoy, our shared laughter is not just a break from suffering, it’s a form of protest. Minsan sa halip na mag-rally, magti-TikTok. This isn’t passive resignation, this is strategic resilience.

Ang pinaka-nakakaintriga sa mga komedyante eh yung kaya nilang magsabi ng hard truths na nakakaaliw pa rin. Pinakanakakatawa kapag kaya nilang sabihin yung nasa utak nating lahat pero hindi natin masabi. Ang role minsan ng comedy sa Pinoy pop culture ay i-empower ang ordinaryong Pilipino para ipaabot ang mensahe nila sa authority. Ang pagbitaw ng jokes ay nagiging daan para mapag-usapan ang mga totoong problema sa paraang walang namumuong tensyon. Dinadaan natin sa char ang gusto natin sanang sabihin ng diretsa kasi likas tayong may hiya. Masasabi kong mas effective yung style na to kase mas willing makinig ang mga tao kapag nae-entertain sila kesa kapag dinebate nang harapan. Kaya if you want to educate, entertain first. Kaya yung mga da best jokes eh yung matatawa ka na tapos biglang mapapaisip ka pa.

Nung panahon na uso pa ang mga kingdoms, yung mga jester sa court, sila lang ang pwedeng magsabi ng mapait na katotohanan sa hari kasi nakakaaliw yung delivery nya.
Yung mga jester ng medieval times? Thought leaders in disguise. Isa pa, mej off na pugutan ng ulo ang jester dahil lang na-offend ang hari. Una sa lahat, bat seseryosohin ang jester eh clown yun? Lalabas na pikon ang hari kasi di nya kayang tanggapin ang imperfection nya. Pangalawa sa lahat, why so serious? Don’t take yourself too seriously. Kaya sign ng bad leadership ang pikon at di marunong tumanggap ng joke.

Sabi ng isang psych, kapag kaya mong tumanggap ng joke at your expense, para kang above and beneath contempt simultaneously. Ibig sabihin nun aware kang di ka perpekto na-recognise mo yung mali mo, kaya mo itong ilagay sa tamang konteksto, at higit sa lahat kaya mo itong lampasan, maka-move on at maka-recover. Transcendence.

The Fool is the precursor to the Wise. Imagine mo na lang ang isang Wise Fool. Para nyang hinati sarili nya. Kaya nyang gawing katatawanan ang sarili nya and at the same time kaya nyang tawanan ang sarili nya. It’s like displaying your ability to transcend your foolish limitations. Kaya nga ang mga komedyante, nasa edge palagi ng wisdom at foolishness.

Kung iisipin, lahat ba dapat dinadaan sa joke? Di naman sobrang lahat. Dapat ba di nakaka-offend? Di lahat ng tao matutuwa sa joke mo, meron at merong mao-offend and that’s fine. Madalas yung nao-offend pa nga yung di naman pinapatamaan direkta ng joke, kumbaga second-hand offended lang. Ngayon parang minsan tawang-tawa ka na sa joke pero pipigilin mo pa, “Pwede ba akong matawa? Allowed bang matawa dito? May magja-judge ba sa akin?”

Personally, ako nga tawang-tawa ako sa mga joke na walang pakundangan! Yung irreverent, unapologetic at politically-incorrect. Comedy is not safe because it is based on truth. And only someone secure in their truth can make fun of themselves. And in a country where everything is funny because nothing is funny anymore, comedy becomes our low-key revolution.

Sabi nga, if you can’t laugh at yourself, how in the hell can you laugh at somebody else.

Thank you for coming to my TED talk.

354 visitors

Response to “The power of kanal humor in shaping Pinoy culture”

  1. Cecilia Fernandez

    Galing 😊😊😊

    Like

Leave a comment