my life is a sitcom

Akala ko na-scam na ako, buti bumawi ang Maxieverse

So na-scam na naman ako. Nung nakaraan Php3K yung na-scam sa akin. Tapos ngayon last minute na nga ako bumili ng Maxieverse tickets. Excited pa nga ako kasi gusto ko mapanood ng live si Maxie Andreison kasama pa sa guest nya si Vice Ganda. Kaya naisip pa namin ni Papi na isama si Tita kasi super fan sya ni Vice. Tapos the next day may announcement na cancelled yung show. Apparently, scammer kasi yung producer. Di nya binabayaran ng tama yung mga drag queens. Yun lang. Kawawa rin naman kaming mga fans na naipit lang sa gulo.

Pero bilib din ako kay Maxie for making a stand for the drag community. So ang ginawa nya, ikinancel nya yung concert dun sa producer para dapat ma-refund lahat ng mga tickets at walang mapala yung scammer tapos nag-produce si Maxie ng sarili nyang concert, na libre para sa mga ticket holders kasi kung sakali mang ma-refund, tuloy pa rin yung expected show. So basically, makakanood pa rin kaming mga fans ng concert para di masayang yung binayad namin pero silang lahat na performers walang talent fee.

At kahit minalas ako sa scam, swerte naman ako sa pag-ibig! Nung mismong araw ng concert, may nagbigay randomly kay Papi ng isang VIP ticket kasi nag-back out daw yung asawa nya manood. At dahil mahal ako ni Papi, binigay nya sa akin yung ticket para ma-upgrade yung seat ko habang nasa gen ad lang tuloy silang dalawa ni Tita.

Nakakatawa kasi dahil sa VIP ticket na yan feeling ko ako yung napansin ni Maxie na nakalupasay dun sa harap. Sabi pa nya, “Ok lang ba si, ate? Parang wala na syang energy. Ok pa ba sya?” Nahiya tuloy ako sa kanya haha. Sya tong non-stop nag-perform simula 8pm. Di na nga namin nasabayan energy nya kasi 12mn umuwi na kami pero di pa rin sya tapos. Ito yata yung pinakasulit na concert na napuntahan ko ever. Favorite ko syempre yung moments na kasama nya si Angel on stage, pati yung Sean Kingston set, tsaka yung may biglaang Heal the World portion haha.

As in grabe yung fan service nya kahit paos pa sya sa lagay na yun. Di ko kinaya na kumakanta sya habang sumasayaw pa. Hanggang alapaap, malakas ang impact, tapos ang ganda nya pa. Sya ay gangsta sa Manila, kuya sa pamilya. Sya si Maxie, alaws galapap!

Leave a comment