my life is a sitcom

5th monthsary romantic date sa Gordon Ramsay Bar and Grill

Buti na lang enabler si Papi ng pagiging social climber ko. Sabi ko kasi sa kanya gusto kong ma-experience mag-romantic dinner date sa Gordon Ramsay Bar and Grill sa Newport. Sabi nya ok naman daw basta mag-thank you raw kami kay Beyonce.

Kung gusto nyong madamay, ito yung mga na-experience namin:

1. Complimentary Artisan Bread with Seaweed Butter & Lemon- Masarap lahat ng libre. Pero mej na-confuse ako dun sa lasa kasi buttery pero biglang maasim. Di lang kasi ako sanay sa butter ng mayayaman.

2. Classic Caesar Salad – Bat parang may special nga sa lasa ng fresh dilis? Bagay nga sa salad

3. Crispy Crab Cake & Caviar – I think ito yung favorite ko visually dahil sa money shot. Also, bet na bet ko sanang sabawan ng malasadong itlog yung crab cake kaso ambilis nilang mag-clear ng table. Di na namin nasimot yung caviar.

4. Gordon Ramsay Fish & Chips – Favorite ni Papi ang Fish & Chips so sobrang pihikan nya pagdating dito. Ok naman sa kanya yung fish, siguro imported yung Lapu-Lapu.
Tsaka malaki din yung servings. Pero meron din naman daw ok na Fish & Chips sa Fish & Co.

5. Gordon’s Signature Beef Wellington – Ito naman talaga yung agenda namin dito. Mej gets ko kung bat mapapamura dapat. sobrang lambot nung MB/ Wagyu Beef Fillet mismo, kinain ko nga ng walang crust para masalat ko nang husto yung texture. Nag-demand pa nga ako ng extra sauce tapos nadoble pa yung nabigay nila.
Ginawa ko tuloy sabaw yung Red Wine Jus

6. Grilled Maine Lobster Thermidor – Basta cheesy ok saken. Pero si Papi yung sumimot nito so wala akong masyadong ma-comment. Basta sabi nya, lobster is lobster.

7. Caramelised Apple Tart Tatin – Ang gusto ko lang yung vanilla ice cream sini-spread sa pastry. Tinake out ko na lang yung mga caramelised apple.

8. The Old Man – Henny yung order ni Papi, may pausok pa. Hindi nga lang bagay yang cognac sa dessert haha.

9. Strawberry Smash – TBH, inorder ko lang to kasi may pa-fireworks.

10. San Pellegrino Sparkling Water – Grabe, akala namin libre. Todo refill pa. Nagulat na lang kami nung naka-Php700+ kami para sa 3 bottles

Wag nyo na kaming hanapan ng bill reveal. Nagpasalamat na nga lang kami kay Beyonce eh. #BillsBillsBills

Leave a comment