
Overly-dependent na siguro talaga ako sa AI. Tipong pati daily horoscope ko, china-chatGPT ko pa. Kaya nga talagang curious ako sa kung ano kahihinatnan nating sangkatauhan habang nafa-fasttrack ang machine learning as we speak.
Kaya ito yung mga key takeaways ko sa librong Harness Our Digital Future: Machine, Platform, Crowd nina Andrew McAfee at Erik Brynjolfsson:
1. Expansion of Computer Creativity.
Computers are increasingly capable of performing tasks traditionally associated with human creativity, such as designing objects, composing music, and generating scientific hypotheses.
2. Limitations in Understanding the Human Condition.
Despite their creative capabilities, computers lack a fundamental understanding of the human condition. They cannot experience the world as humans do. Like yung pakikiramay ng kapwa tao, at hindi ng makina, ang kelangan natin kapag namatayan tayo ng mahal sa buhay. Tsaka walang “common sense” ang makina. Di na nga yun common sa tao, sa makina pa kaya?
3. Human-Machine Collaboration.
The most productive creative efforts often come from combining human and machine capabilities. Machines can handle repetitive tasks and generate initial ideas, which humans can then refine and improve.
Feeling ko ito yung exciting part. Pansin nyo ba na napakahirap mag-start from scratch? Halimbawa na lang sa pagsulat ng first draft. Matinding writer’s block yung kelangang malampasan para lang makapagsulat. Tapos pag binasa ng ibang mga tao yung first draft natin, sobrang bilis lang nilang magbitaw ng critique at mga pang-o-okray. Yung tipong nagkusang-loob na nga tayong simulan, tayo pa inulan ng puna.
But I guess ganun talaga. Mas madali kasi talagang makahanap ng mali sa iba kasi detached tayo. Masyado tayong invested sa sarili natin kaya nahihirapan tayong i-realtalk ang sarili natin. Dito talaga mapapakinabangan ang human-machine collab. Hayaan nating matulungan tayo sa initial phase ng mga machines, tsaka tayo rin naman yung nagpro-prompt. Tapos pag naungusan na natin yung inertia, ilagay nating mga tao ang mga sarili natin sa posisyon kung saan tayo magaling, ang kumuda.

Leave a comment