
Naiirita talaga ako nung una kong narinig itong si Dr. Lisa Feldman-Barrett, a neuroscientist and a psychologist, nung naging guest sya sa podcast na palagi kong pinakikinggan. Ang dami nya kasing na-debunk na mga deeply-held beliefs ko. Halos kalahati yata ng self-help books ko eh invalidated na dahil myth lang daw pala yun. So it’s hard for me to listen to her kasi I feel like I’m being attackedttt. Anyway, buti na lang pinagana ko yung pagiging curious ko para ma-open ako sa mga ideas that has revolutionized neuroscience lately pero hindi pa nagtri-trickle down sa masa. Feeling ko nga nabago na kagad yung buhay ko nung natapos ko tong libro nyang ‘How Emotions Are Made’.
Basically, ang sabi nya dito sa libro, ang emotions ay construction ng utak. It’s as real as money. Papel lang naman yung pera di ba? Pero it has value sa atin kasi we all agreed in our society that it has value. Try mo ibigay sa ibang tribal groups yan, baka punitin pa nila kasi aanhin naman nila yung papel na yun eh wala namang meaning yun sa kanila. It’s a social reality. Similar to emotions, ginagawan nating ng meaning yung mga sensations or affect natin sa katawan. And as long as we agree that it has meaning, then it’s real.

Leave a comment