
Ganito itsura ko dati nung araw simula nung nawalan ako ng gana tumawa. Kahit natatawa ako, tinatago ko na lang. Ayokong ipakita sa mga tao na napatawa nila ako. Dahil lang yan may nagsabi sa akin na hindi raw ako nakakatawa. Pero I took it to mean na wala akong karapatan magbitaw ng joke kahit kelan kasi di naman pala ako nakakatawa. Sila lang yung pwede kasi sila lang yung magaling.
Di naman na ako ganyan ka-dramatic ngayon kasi mas kaya ko naman nang i-take ang feedback in stride. Pero may we never be the reason why someone stops embracing one’s true self.
Sabi nga sa internet, may we never be the reason why someone who loves taking selfies, doesn’t anymore. Or why someone who likes coloring their hair, dyed their hair black again. Or why someone who always spoke of their dreams so wildly is now silent about them.
Let us not hold each other back. Sana hindi tayo yung mag-trigger ng hesitation or doubt. Sing off-key, draw poorly, write badly, overdress in Zoom meetings. Tsaka wag nating tanggalin yung karapatan nating mag-enjoy dahil lang di tayo magaling o dahil lang may ibang mas magaling. Life is meant to be enjoyed.
Anyway, mas maging responsible sana tayo sa mga feedback at comments. Tingnan nyo tuloy, yung mga jokes ko naka-recover pero yung mukha ko hindi na lolz.

Leave a comment