
Kahit na palpak akong travel mom, ang mahalaga eh masaya si Dakila na nakarating sya sa Hong Kong Disneyland for the first time.
Eh actually first time ko rin sa Disneyland kasi yung first and only out-of-the country trip ko eh sa Hong Kong din pero 20 years ago pa.
Sa sobrang dami kong palpak, naaawa na ako sa anak ko kasi sya yung nahihirapan, napupuyat, at nagugutom.
– Una na yung naging homeless kami sa airport. Delayed flight pa. So imagine yung agony from 12 midnight to 8:30am
– Nadala ko yung ugali kong hindi mahilig mag-withdraw ng cash, syempre ni hindi rin ako nakapagpapalit ng HKD. Obviously, nahirapan akong mag-load ng Octopus card kaya turistang gipit talaga. Buti na lang pwede ko gamitin yung Maya debit card sa pag-withdraw ng HKD dun.
– Tapos on the spot lang ako nag-research kung paano mag-commute via train. Buti may wifi sa MTR. Actually mej madali lang naman yung MTR kahit walang direct track from airport to Disneyland. Siguro mga 3 transfer yun na aabutin lang dapat ng 35min lang inabot kami ng 2hrs dahil lost na lost ako.
-Dumiretso kaming Disneyland park kahit na may bagahe pa kami. Bawal pala. So additional lakad na naman kasi hinanap ko pa kung saan yung free shuttle bus station. Buti sana kung nare-record lahat ng steps ko. Eh kaso napag-alaman ko bigla na nawala na yung Xiaomi smart watch ko huhu
Oks lang naman siguro kasi 3pm naman din check in namin sa Disney Explorers Lodge. Nakapag-picture pa kami ni Goofy.
Pero my son’s happiness outweighed all my shortcomings today. Sabi nya nung nakita nya yung Disneyland arc, “Wow, I’m so happy. I deserve all this because it’s my birthday.”

Leave a comment