
Habang sumusubo ako ng agahan, biglang sabi ni Dakila, “Mommy, what are you putting on top of your rice?” Masyado akong gutom para sagutin so sabi ko hulaan na lang nya. Tapos biglang sabi ba naman, “Is that cockroach body?” OMG! Parang gusto ko na lang malipasan ng gutom. Iniisip ko na lang kung paano kung bumisita kami sa ibang bahay tapos bigla na lang nyang tanungin kung bakit ipis ang ulam nila.
Pinalaki ko ba ang anak kong bilang out-of-touch, tone-deaf, at sheltered na matapobre? It’s an innocent mistake, I know. And responsibilidad kong i-educate ang anak ko sa mga Pinoy breakfast.
Pero wait, lagi naman kaming nag-uulam ng danggit. So all this time iniisip nya na ipis ang inuulam namin and all this time iniisip nya na normal lang yun??

Leave a comment